Bayaw Kailangan Kita – Part 1


Part 1

“Putang inang buhay ito, kung gusto mo ikaw na lang mag-isa. Wag mo na

ko abalahin sa pagtulog ko”.

Hay! Kay aga-aga, eto na naman ang aksyon sa bahay. Ang kawawang

hipag ko, si ate Mae, isang System Analyst sa isang tanyag na accounting

firm sa makati, batok at bulyaw na naman ang inabot sa kanyang asawa. Di

lumilipas ang isang araw na hindi mabubulyawan at masasaktan ng

desperado nyang kabiyak.

Si Von, dating pulis, asawa ni ate Mae. Sampung taon ang agwat ng

kanilang edad. Natanggal sa posisyon dahil sa isang anomalya at tuluyan ng

inalisan ng karapatang maging pulis. At sa kasamaang palad pa, naging

baldado ang kalahati ng katawan dahil sa stroke gawa ng sobrang pag-inom

mula ng alisin sya sa serbisyo. May isang anak si ate Mae kay Von, si

Maricar, pitong taong gulang.

 

Si Jenny, ang aking magandang kabiyak, Programmer sa isang telecom

company sa Quezon city, nag-iisang kapatid ni ate Mae at ang tanging

hingahan ng sama ng loob ng aking hipag sa lahat ng kanyang problema,

mapa-pinansyal man o emosyonal. Kapisan namin sa iisang bubong ang

aking hipag at ang pamilya nya kasama si Nanay Bing-bing. May kaya ang

pamilya ng aking asawa. Ancestral home nila ang aming tinitirahan at mula

ng mamayapa ang aking byenang lalaki, si Von na ang naghari-harian sa

bahay. Noong nabubuhay pa ang aking byenan, may mga pagkakatataon

noon na muntikan ng mabaril ni tatay si Von dahil sa pananakit nya kay Ate

Mae. Sa kabutihang palad naagapan ko agad at nakumbinsing wag ng ituloy

ang kanyang balak laban sa aking bilas na si Von.

Sagad sa problemang pinansyal si Von at ate Mae mula ng matanggal sa

serbisyo si Von. Dala ng pangangailangan sa pera, dahil sa kasong

kinakaharap ni Von, naubos lahat ng naipundar ni ate Mae at pati na rin ang

kotseng naipundar nya nung siya’y dalaga pa. Ultimong credit cards ni Ate

ay nasagad din sa tindi ng kanilang pangangailangan.

May sarili kaming bahay at lupa ni Jenny subalit pinaupahan na lamang

namin dahil na rin sa kahilingan ni Nanay Bing-bing na magsama muna

silang magkapatid habang siya ay nabubuhay pa. May sarili rin kaming

sasakayan na kadalasan ay si Jenny ang gumagamit dahil medyo may

kalayuan ang aming lugar sa kanilang opisina. Isa akong internet café owner

/ technical consultant at ang shop namin ay malapit lamang sa aming

tirahan.

Magmula ng lumala ang sitwasyon sa pagsasama ni ate Mae at Von,

naapektuhan na rin ang privacy ng sarili kong pamilya. Malaki ang epekto

kay Jenny at sa dalawa kong anak na 3 at 5 years old. Halos araw araw ay

mga piping saksi sila sa bangayan at pananakit ni Von. Sa kadahilanang

ayokong mamulat sa ganoong sitwasyon ang aking dalawang anak,

nagdesisyon akong mag-apply sa ibang bansa at pinalad namang maging

isang Software Engineer sa Singapore. Gayon din ang ginawa ni Jenny at

sinuwerte ring matanggap sya bilang programmer sa isang sikat na telecom

company sa Singapore. Tatlong araw mula ng tumuntong ang aking paa sa

bansang aking pagta-trabahuhan, sumunod agad si Jenny sa kahilingan ng

kumpanyang nag-hire sa kanya. Sinagot ng aking company ang unang

buwan para sa renta ng condo na inupahan namin. Subalit ang dalawa

naming anak ay naiwan sa kanilang lola Bing-bing. Ilang buwan din bago

namin na-process and dependant’s pass ng aming mga anak at tuluyang

nakapiling ang buo kong pamilya.Mula noon, nakaramdam ako ng tunay na

katahimikan sa buhay, malayo sa sigalot at tensyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s